NAGPAABOT NG PAKIKIRAMAY | Malacañang, nakiramay sa mga naiwang pamilya ni Judge Pintac at 5 PDEA agents na piinagbabaril

Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañang, ang pagpaslang kay Ozamiz City Executive Judge Edmundo Pintac kahapon at ang pag-ambush sa 5 agents ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA noong nakaraang Biyernes sa Lanao Del Sur.

Matatandaan na si Pintac ay ang Judge na may hawak sa kaso ng mga Parojinog na itinuturong mga Drug lord sa Ozamiz City.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nakikiramay ang Malacañang sa mga naiwan ng 5 PDEA agents at ni Judge Pintac.


Sinabi din ni Roque na kabilang ito sa mga natalakay sa Cabinet meeting kagabi dito sa Malacañang kung saan inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang mapanagot sa batas salalong madaling panahon ang mga nasa likod ng pamamaslang.
Binigyang diin pa ni Roque na ito ang patunay na mayroon talagang War on Illegal Drugs na nagaganap sa bansa.

Nabatid na bukas ng hapon ay mismong si Pangulong Duterte ang bibisita sa burol ng mga pinaslang na PDEA Agnets na nasa Mindanao bago ito lumipat patungong Indonesia.

Facebook Comments