
Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng kumandidato sa may 14 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections na magsumite ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE).
Sa ang araw ng Miyerkules, June 13 ang deadline sa paghahain ng SOCE.
Ayon kay DILG OIC Eduardo Año, kinakailangang magsumite ng SOCE ang mga kandidato na nanalo man o natalo sa eleksyon.
Maging ang mga nadiskwalipika ay required din sa maghain ng SOCE.
Aalamin sa SOCE ang naging gastos ng kandidato at natanggap nitong tulong sa halalan.
Sa datos, higit isang milyong Certificates of Candidacies (COC) ang natanggap nitong eleksyon.
Ang mga bigong makakapaghain ng SOCE ay hindi na papayagan pang tumakbo sa alinmang public office.









