NAGPAALALA | DOH, pinaalalahan ang publiko na maghanda ng emergency kit ngayong may bagyo

Manila, Philippines – Kasunod ng pagpasok ng bagyong Ompong sa Philippine Area of Responsibility, nagpaalala ngayon ang Department of Health sa publiko na manatiling alerto at laging maging handa.

Sa advisory na inilabas ng DOH, malaki anila ang maitutulong ng pagkakaroon ng emergency kit ng bawat pamilya.

Tiyaking naglalaman ito ng sapat na tubig, flashlight, canned goods, crakers at iba pang pagkain na hindi nabubulok.


Ihanda rin ang mga damit, mga baterya, transmitter radio at first aid kid.

Sa oras anila ng mismong pananalasa ng bagyo, manatili sa loob ng bahay, lumayo sa mga bintana at tanggalin ang mga nakasaksak na appliances.

Payo ng DOH, manatiling updated sa pinakahuling galaw ng bagyo at kaganapan sa inyong lugar.

Facebook Comments