NAGPAALALA | LTFRB, nagpaalala sa Grab Philippines na abisuhan sila hinggil sa pagpapatupad ng cancellation rates

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Grab Philippines na abisuhan sila kung magpapatupad ng cancellation rates sa mga pasahero.

Ayon kay Grab Philippines Country Head Brian Cu, magpapataw sila ng singil sa mga pasaherong nagkakansela ng ride bookings para hindi masayang ang iginugol na biyahe ng kanilang driver.

Dagdag pa ni Cu, hindi nila ipaprayoridad ang mga pasaherong madalas nagkaka-cansel ng rides.


Sagot naman ni LTFRB Board Member Aileen Lizada, may mga pasaway naman kasing mga driver kaya nila ipinatutupad ang ganyang mga panuntunan.

Patuloy na nakikipag-usap ang LTFRB sa mga Transport Network Companies ukol sa posibilidad na ‘blacklisting’ sa mga riders.

Facebook Comments