Muling nagpaalala ang pamunuan ng PNP MIMAROPA sa kanilang hanay nang mas mahigpit na koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines sa tuwing magsasagawa ng operasyon.
Kasunod ito nang nangyaring misencounter kahapon sa Sta Rita Samar na ikinasawi ng anim na pulis at pagkasugat ng syam.
Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Supt Imelda Tolentino iniutos ni PNP MIMAROPA Regional Director Police Chief Supt Emmanuel Luis Licup ang suspensyon ng lahat ng Internal Security operations ng lahat Mobile Forces and Public Safety Forces kung walang koordinasyon sa militar.
Paalala rin ni Licup sa bagong Commander ng Regional Mobile Force Battalion, na si Police Supt Mardito Anguluan na isaisip palagi ang Standard operating procedure tuwing ikakasa ang operasyon nang sa ganun maiwasan ang misencounter.