Nagpaalala ang Malacañang na huwag munang magpakakampante ang mga residente sa central at northern Luzon ngayong humupa na ang pag-ulan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa bumaba ang tubig sa mga kabundukan na maaaring magdulot ng baha sa mga mabababang lugar gaya ng Pampanga at Bulacan.
Kaya payo ni Roque sa mga nasa evacuation center huwag munang bumalik sa kani-kanilang bahay hanggang walang abiso mula sa mga kinauukulan.
Aniya, ito ang dapat gawin para hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga casualties.
Facebook Comments