NAGPAALALA | Mandatory HIV test, dapat isagawa

Quezon City – Hinimok ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang konseho ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) sa QC na isama sa kanilang mga plano at programa ang mandatory HIV-AIDS testing.

Ginawa ni Bautista ang paghikayat sa pulong niya sa QC Pride Council kasunod ng ulat ng na tumaas ng 140% kaso ng HIV noong 2016 sa bansa partikular sa lungsod ng Quezon na maiuugnay sa male to male sex activities.

Pumalo na sa 10,500 ang nagka HIV infection mula sa 4,300 noong 2010.


Mayroong anim na Sundown Clinics sa Quezon City na magseserbisyo sa mga indibidwal na bulnerable sa Sexually Transmitted Diseases (STDs).

Facebook Comments