NAGPAALALA | Mga sibilyan hindi kasama sa papatay ng mga ninja cops para makakuha ng P5-M reward – PNP

Manila, Philippines – Hindi otorisado ang mga sibilyan ang mang-aaresto o papatay sa mga tinaguriang ninja cops upang makuha ang 5 milyong pisong reward na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, hanggang sa pagbibigay ng impormasyon ang maaring gampanan ng mga sibilyan sa paghuli sa mga ninja cops.

Paliwanag ni Alabayalde na kapag may kilala umano silang kabilang sa mga ninja cops ay ipagbigay alam ito PNP lalo na sa CITF at sila na ang bahalang magsagawa ng operasyon.


Pero nilinaw ni General Albayalde, na hindi rin para sa mga pulis ang reward money ito aniya ibinibigay sa mga police asset na sibilyan.

Posible kasi aniyang may mga pulis na mag-bounty hunter na lamang para makuha ang 5 milyong pisong reward kada ulo ng ninja cop.

Ang mga ninja cops ay ang mga pulis na nagre-recycle ng mga illegal drugs na kanilang nakukumpiska.

Sa listahan ng PNP ay may mahigit na 1700 na mga Pulis ang kanilang binabantayan.

Ngunit hindi lang drugs ang kaso ng mga ito kundi ang iba ay sangkot sa kidnap for ransom at extortion.

Facebook Comments