Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bansang umaangkin sa West Philippine Sea na iwasang gumawa ng anumang hakbang na makakapagpalala lang ng tensyon.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa 21st Asean China Summit kung saan hinirang ang Pilipinas bilang country coordinator.
Ayon sa Pangulo, anumang military drill sa West Philippine Sea ay maaring mauwi sa giyera kung saan ang Pilipinas ang maapektuhan.
Aniya, ito ang dahilan kung kaya at pursigido siyang madaliin ang pagbuo ng code of conduct na naglalaman ng mga guidelines at protocols sa pinag-aagawang teritoryo.
Hinikayat rin ng Pangulo ang mga claimant countries na pagtibayin ang tiwala at kumpiyansa sa isa’t-isa.
Dapat rin aniyang pairalin ang mapayapang resolusyon alinsunod sa international law kung may mga hindi pagkakaunawaan.
Sabi naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., umapela naman ang Pangulo sa China na maghinay-hinay sa mga aktibidad sa West Philippine Sea.