NAGPAALALA | Sen. Drilon, pinag-iingat ang gobyerno sa planong rice tariffication

24

Manila, Philippines – Suportado ni senate Minority Leader Franklin Drilon ang layunin na matugunan ng rice tariffication ang tumataas na inflation o presyo ng bilihin.

Gayunpaman, pinayuhan ni Drilon ang pamahalaan na maging maingat sa pagpapatupad nito.

Ayon kay Drilon, ang rice tariffication ay isang napaka sensitibong usapin.

Paliwanag ni Drilon, tiyak maaapektuhan ang kita ng mga magsasaka sa pagpasok sa bansa ng imported na bigas dulot ng rice tariffication.

Facebook Comments