Pinag-aaralan ng National Bureau of Investigation (NBI) na kasuhan ang nagpadala ng impormasyon sa email kaugnay ng tatlong Sri Lankan na mga terorista na nasa Pilipinas.
Ayon kay NBI spokesman Ferdinand Lavin, tumanggi kasi ang email sender na makipagtulungan sa mga otoridad.
Ang email sender ay si Diosdado Sto. Domingo na isang Pilipino at tatay ni Victoria Sto. Domingo na isa sa mga pinaghihinalaang suicide bomber.
Sinabi ni Lavin na tinangka ng NBI-Counter Terrorism Division na makipag-ugnayan sa email sender pero hindi na ito nagbigay ng karagdagang impormasyon.
Ayon kay Lavin, hindi dapat ginagawang biro-biro ang usapin ng kapayapaan at seguridad sa bansa.
Facebook Comments