NAGPAHIWATIG | Malacañang, nagpahayag ng pagdududa sa liderato ng Kamara matapos tanggihan ang 2019 proposed national budget

Manila, Philippines – Nagpahiwatig ngayon ang Palasyo ng Malacañang ng pagdududa sa liderato ng Kamara matapos nitong itigil ang deliberasyon ng 2019 National Budget na hindi naman nangyari sa nakaraang Kongreso.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, unpresidented ang hakbang na ito ng kongreso kaya nagtataka sila kung bakit ito ginagawa ng mga mambabatas.

Sinabi din ni Roque na sa hindi pagtanggap ng Kamara sa proposed budget ay hindi na nila ngayon alam kung ano ang klase ng alyansa ang meron sila sa Kamara.


Pero binigyang diin din naman ni Roque na hindi sila natatakot sakaling magkaroon ng reenacted budget sa susunod na taon dahil beneficial pa ito sa executive dahil mas magkakaroon ng kapangyarihan ang ehekutibo na gamitin ang pondo kung saan ito kailangan.
Pero sa kabila nito ay mas nanaisin parin naman ng ehekutibo na makapapasa ang 2019 proposed national budget.

Facebook Comments