Nagpakalat ng balita na pumanaw na si Pangulong Duterte – hindi kakasuhan ng Malacañang

Manila, Philippines – Walang balak ang Palasyo ng MalacaƱang na magsampa ng anomang kaso laban sa kung sino man ang nagpakalat ng balita na namatay na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong hindi makadalo sa kanyang aktibidad sa Tacloban noong nakaraang linggo.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi sila magaaksaya ng panahon sa mga trolls na ito lalo pa at hindi na ito bago dahil matagal nang may mga gumagawa ng fake new laban kay Pangulong Duterte at tila nagiging ordinary nalang ito.

Sinabi din ni Panelo na mayorya ng mga Pilipino ay hindi naman naniniwala sa mga lumalabas na mga pekeng balita ukol kay Pangulong Duterte.


Facebook Comments