NAGPAKAMATAY? | Babae, tumalon sa 5th floor ng SM North EDSA

7542

Manila, Philippines – Matapos ang madugong pananaksak kamakailan sa SM Mall sa North EDSA Annex Building, isa na namang trahedya ang gumimbal sa naturang mall.

Ito ay matapos na tumalon sa kaniyang kamatayan ang isang 30 anyos na babae.

Kinumpirma ni Police Supt. Carlito Mantala, ang hepe ng Masambong Police Station 2 ng Quezon City Police District na isang babae ang sinasabing tumalon sa ika-5 palapag na mall ng SM North EDSA.

Ayon kay Supt. Mantala, isinugod ang biktima sa Quezon City General Hospital subalit sinusubukan pa ng mga doktor na isalba ang buhay ng hindi pa nakikilalang babae.

Facebook Comments