NAGPAKAMATAY | Barangay chairman, nagbaril sa ulo

Malabon – Hindi pa din matukoy ng mga otoridad ang dahilan ng pagpapakamatay ng isang barangay chairman sa Malabon City.
Sa ulat, nagbaril sa ulo ang biktima na si Chairman Alex Roque Jr. ng Brgy. Baritan ng nasabing lungsod.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang kalibre .45 na baril na ginamit nito at isang suicide note pero patuloy iton bineberepika kung sulat kamay nga ng nasawing chairman.
Nabatid na masaya pa ang chairman ng barangay dahil natapos nito ang preparasyon ng kanilang Christmas party pero nagulat ang lahat ng makita itong wala ng buhay sa loob ng kaniyang silid na katabi lamang ng opisina nito.

Facebook Comments