NAGPAKAWALA | Magat Dam, nagbukas ng 2 gate

Binuksan ang dalawang gate ng Magat Dam dahil sa epekto ng bagong Rosita.

Sa abiso ng National Irrigation Administration o NIA, aabot sa 562 cubic meter per second ang dami ng tubig na pinakawalan ng Magat Dam.

Tumaas kasi sa 1,068 cubic meters ang tubig na nasasalo ng Magat Dam mula sa bundok ng Sierra Madre at Nueva Vizcaya.


Ginagawa ang pagpapakawala ng tubig para hindi bumigay ang dam.

Sa ngayon ay nasa 188.6 meter above sea level ang taas ng tubig ng Magat Dam na ilang metro na ang depirensya sa 190 meters spilinng level nito.

Facebook Comments