Matapos maiere ang naging umano’y pangsscam ng isang nagpakilalang kaisa ng Miss Universe PH Pangasinan, dumulog ito sa IFM Dagupan upang maibigay ang kaniyang panig.
Sa kanyang mensahe, ipinaliwang niyang nakabangga umano siya ng garong o kulong kulong noong mismong gabi ng pageant kaya’t hindi siya nakapunta sa event.
Maliban pa rito, maging siya umano ay biktima rin ng pang-scam at bigong maipagtanggol ang sarili matapos masuspinde ang kanyang social media account.
Nakipag-ugnayan naman ang IFM Dagupan sa mga organizers ng Miss Universe PH Pangasinan, kung saan mariin nilang itinanggi ang pagkakasangkot sa inirereklamong booker.
Dahil dito, inireklamo na rin umano nila ang nasabing booker sa awtoridad.
Matatandaang lumabas ang online ang mga parating sa kanya dahil sa hindi nito pagsipot sa mismong event matapos i-book ang isang grupo ng mga Dancer mula sa bayan ng Calasiao.
Samantala, sinubukan naming hingian ng pahayag ang mga grupo ng dancer, ngunit hanggang ngayon ay wala pa silang tugon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










