NAGPAKITANG GILAS | Tacloban Fighting Warays, Philippine Navy-Iriga panalo sa PVL Reinforced Conference.

Manila, Philippines – Nagpakitang gilas ang Tacloban Fighting Warays at Philippine Navy-Iriga matapos nilang talunin ang kanilang mga kalaban sa pagpapatuloy ng 2018 PVL Reinforced Conference sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Nakuha ng Fighting Warays ang una nilang panalo sa torneo matapos mapigilan ang mainit na comeback ng Petro Gazz Angels sa score na 25-17, 27-25, 20-25, 14-25 at 15-13.

Umiskor ng 23 points si Thai reinforcement Hyapha Amporn habang may 18 markers naman si team captain Jovielyn Prado para sa Fighting Warays.


Sa unang laro, pinadapa ng Philippine Navy-Iriga ang Bali Pure 25-23, 25-23, 22-25, 25-19 para sa magandang simula sa torneo.

Facebook Comments