NAGPALABAS NA | Mga isyung tatalakayin sa oral arguments kaugnay ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC, inilabas na ng SC

Manila, Philippines – Nagpalabas na ng guidelines ang Korte Suprema kaugnay ng mga isyung tatalakayin sa Aug. 14,2018 sa oral arguments ng Korte Suprema sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute of the International Criminal Court (ICC).

Kasama sa mga tatalakayin ay ang hinggil sa kung balido ba at may bisa ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC sa pamamagitan ng Note-Verbale na ipinadala sa Secretary General ng United Nations.

Tatalakayin din sa oral arguments ang hinggil sa kung Nakatalima ba ang Pilipinas sa lahat ng mga rekisito sa pagkalas mula sa ICC.


May kapangyarihan ba ang Executive na gawin ang “unilateral” Decision na pagkalas mula sa tratado.

Ang pagkalas ba ng Pilipinas sa ICC ay magpapahina sa proteksyon ng mga Pilipino sa ilalim ng International Law.
Dalawampung minuto ang ibinigay sa bawat partido sa paglalahad ng kanilang argumento.

Nag-ugat ang kaso sa inihaing petisyon nina opposition senators Franklin Drilon, Bam Aquino, Leila de Lima, Risa Hontiveros at Antonio Trillanes ; at ng Philippine Coalition for the International Criminal Court.

Facebook Comments