NAGPALIWANAG | Dahilan sa hindi agarang pagpirma ni Pangulong Duterte ng Executive Order kaugnay sa ENDO, ipinaliwanag

Manila, Philippines – Nagpaliwanag si Presidential Spokesperson Harry Roque sa pagkakaantala ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order na nagbabawal sa “ENDO” nitong Lunes.

Ayon kay Roque – ang dahilan kaya hindi napirmahan ang executive order ay dahil sa section 2 kung saan isinasaad dito na ang contractualization ay hindi ipinagbabawal sa Labor Code.

Paglilinaw ni Roque – ang contractualization kapag sila ay regular employees ng service contractors ay hindi ipinagbabawal ng Labor Code.


Pero bawal sa batas aniya ang labor contracting kung saan kapag tapos na ang isang proyekto ay wala na rin silang trabaho.

Nilinaw din ni Roque na ang contractualization ay magkaiba sa “ENDO” o “555,” kung saan kapag natapos na ang limang buwan kontrata at tanggal na rin sila sa trabaho.

Facebook Comments