NAGPALIWANAG | DSWD, dumepensa sa isyu ng mga sirang relief goods na naipamahagi sa mga residente ng Boracay

Aklan – Humingi ng pang-unawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente sa Boracay dahil sa mga nasirang relief items na naipamahagi sa kanila.

Ito ay matapos makumpirma na nagkaroon ng kontaminasyon ang 25 porsiyento o pitong food packs mula sa kabuuang 2,760 family food packs na dinala sa Malay, sa Boracay Island na ipinamahagi sa kanila.

Base sa imbestigasyon ng field office ng DSWD sa Region 6, nasira ang mga relief items sa panahon ng pag-aayos at pagdadala nito.


Pero pagtiyak ni Secretary Orogo nasa magandang kondisyon ang mga relief goods bago ito ipinadala sa isla.

Kaugnay nito, tiniyak ng DSWD na mas hihigpitan pa nito ang monitoring sa distribution ng relief items para sa mga pamilya na nangangailamgan ng tulong.

Facebook Comments