Manila, Philippines – Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko kung bakit ito nag-appoint ng mga ex-military men sa kaniyang gabinete.
Sa change of command ceremony ng PSG kahapon, nilinaw ng Pangulo na hindi dahil nais niyang guluhin ang istraktura ng gobyerno sa bansa, ayon sa Pangulo ang pagiging conscious ng mga ito sa accomplishment at pagtupad nila sa tungkulin ang pangunahing rason kung bakit ina-appoint niya ang mga ito sa pwesto.
Ayon pa sa Pangulo, kung hindi kasi militar ang ilalagay niya sa gabinete ay makikipagdiskusyon pa ang mga ito sakaniya at ito aniya ang kaniyang iniiwasan.
Aniya, sapat na rason na para sa kaniya na malaman na mahal ng military men ang bansa.
Facebook Comments