NAGPANG-ABOT | Kalaguyo ni misis, tinadtad ng saksak ang mister

Quezon City *- *Patay ang isang mister matapos na tadtarin ng saksak ng kalaguyo ng kaniyang misis sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Marlon Garsain, residente ng Bagong Silang, Caloocan City.

Sa ulat, nilusob ng biktima ang bahay ng kalaguyo ng kaniyang misis sa Pook Amorsolo na sakop ng UP Campus sa Diliman para sunduin ito.


Hindi naabutan ng mister ang asawa pero nakaharap at nakausap nito ang hindi pa nakikilalang kalaguyo ng ginang.

Nagkasagutan ang dalawa hanggang mauwi sa saksakan ang insidente kung saan tumakas ang suspek habang naliligo na sa sariling dugo ang biktima ng maabutan ito ng mga pulis.

Facebook Comments