Sugatan ang isang lalaking dumalo sa Christmas party sa Iloilo City nang mauwi sa saksakan ang paghaharap nila ng kalaguyo ng kaniyang misis.
Nagpapagaling na sa ospital dahil sa tinamong saksak sa tagiliran si Daniel Pillora habang sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na si Rogen De Dios.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkita ang dalawa sa Christmas party at ang asawa ni Pillora.
Dati na umanong pinaghihinalaan at pinaseselosan ni Pillora na may relasyon ang kaniyang asawa kay De Dios.
Tinangka umano ni Pillora na saksakin si De Dios ng dala nitong screwdriver pero naagaw ng suspek ang screwdriver at isinaksak sa biktima.
Facebook Comments