NAGPANGGAP? | Kasambahay na nabiktima daw ng Dugo-Dugo Gang, arestado!

Manila, Philippines – Hindi umubra ang naging palabas ng isang kasambahay na nabiktima daw siya ng Dugo-Dugo gang sa Ermita, Maynila.

Sa ulat, inireklamo ng biktimang Chinese national na si Man Ko ang kasambahay na si Victoria Dela Rosa matapos nitong tangayin ang mahigit P2 milyong halaga ng pera, alahas at mga kagamitan nila.

Paliwanag ng suspek, may tumawag daw sa kaniya at sinabing naaksidente ang amo nitong lalaki na si Rena Alvarez at inutusan itong sirain ang pintuan ng store room ng kanyang amo at kunin ang mga pera at alahas at magkikita sila sa isang lugar.


Sa kuha naman ng CCTV ng Mayfair Tower Condominium, makikitang may bitbit na bag ang suspek pero nakangiti ito at tila hindi nag-aalala habang may kausap pa sa kaniyang cellphone.

Nang bumalik sa unit ng kaniyang amo, dito na siya ipinaaresto kung saan ayaw naman umamin ng suspek sa mga paratang.

Facebook Comments