Cauayan City, Isabela – Sinampahan ng patong patong na kaso ang tatlong katao na nagpanggap na mga tauahan ng Presidential Management Staff ng Malakanyang at di umanoy kasapi ng International Police matapos dakpin ng National Bureau of Investigation habang nagsasalita sa isang pagtitipon ng mga religious sector sa Tuguegarao City.
Ayon kay NBI Regional Director Atty.Edward Geologo ng Region 2 humingi umano ng tulong ang isang lehitimong pastor sa kanilang tanggapan upang subaybayan ang umanoy isang nagpapakilalang Bishop ng Baptish Church na nakabase sa Davao City na umanoy naningil sa mga kasapi ng religious sector upang maging myembro sa kanilang samahan at makalapit kay Pangulong duterte.
Dahil dito ay agad na ikinasa ang isang operasyon at dinakip sina Claro Loquias Jr, Rogelio Manlangit na nagpakilalang mga Bishops at Joy Rañeses na residente ng Davao city.
Narekober sa mga suspek ang pekeng tsapa ng Interpol, mahigit apatnaput dalawang libong piso na nakulimbat ng mga ito sa mga nalinlang na mga taga Cagayan bilang membership fee at I.D ng Presidential Management Staff ng Malakanyang at iba pang mga dokumento ng kanilang grupo.
Dadag pa ni Atty Geologo na bukod sa lalawigan ng Cagayan ay nakatakda rin sanang dumalo sa isang pagtitipon ng mga religious group dito sa lalawigan ng Isabela ngayon araw ang nasabing mga katao partikular sa bayan ng Alicia at mambiktima ng iba pang mga myembro ng religious organization dito sa lambak ng Cagayan.
Sa ngayon ay nakatakdang sampahan na sa pamamagitan ng inquest proceeding ang tatlo at dalawang pang kasamahan na nasa davao city at mahaharap sa kasong estafa,illegal use of Insigña at usurpation of authority.