Nagpapakalat ng pekeng import allocations para sa buwan ng Disyembre, ibinabala ng DA

Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) laban sa mga indibidwal at grupong nag-aalok umano ng bogus rice import allocations kapalit ng cash.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nakatanggap siya ng mga impormasyon kaugnay ng pag-aalok ng mga pekeng alokasyon para payagan ang ilang importer na makapag-angkat ng bigas pagsapit ng Disyembre.

Aniya, malinaw na ang rice import moratorium ay hanggang katapusan ng Disyembre lamang, kaya’t scam o pekeng balita ang kumakalat tungkol sa rice import allocations.

Batay sa natanggap na impormasyon ng tanggapan ng kalihim, may mga solicitation forms na ipinapamahagi sa ilang rice millers, importers, at traders sa Cebu na nagsasabing makakapag-import ng bigas sa Disyembre at may garantisadong allocation.

Maliban dito, may dokumento rin umano na umiikot na tila humihiling ng pagkilala mula sa DA para sa listahan ng mga “participating miller-importers” na magiging bahagi ng “food security program ng 2026.”

Facebook Comments