Manila, Philippines – Naniniwala ang grupong United Filipino Consumers and Commuters at Legal Expertise na lalo lamang nagpapalala sa sitwasyon ng gobyerno ang Train Law.
Sa ginanap na Forum sa Balitaan sa Maynila sinabi ni Atty. Angelo De Ablan Legal Expertise na lalong nagpapahirap sa taongbayan ang Train Law at ang masakit pa umano ang sabi ng daw ng gobyerno ay bumaba umano ang Infaltion pero hindi naramdaman ito ng taongbayan.
Paliwanag ni Atty. De Ablan ang problema aniya ay bumaba noong nakaraang linggo pero ang ipinagtataka kubg bakit ay tumaas pa rin paniwala nito ay dahil sa TRAIN Law.
Dagdag pa ng Legal Expertise ang problema ng mga Mambabatas ay hindi nila nararamdaman ng ang taas ng mga bilihin dahil nagpapabili lamang sila sa kanilang mga Staff pero ang mga ordinaryong mamamayan ay talagang nakaramdam ang tindi ng epekto ng TRAIN Law.
Sa panig naman ng UFCC ang tawag nila sa pasakit ng bayan ay monster TRAIN Law na lubhang nagpasakit at nagpabigat ng pasanin ng taongbayan.
Paliwanag ni United Filipino Consumers and Commuters President RJ Javellana, simula pa lang noon ay tinututulan na nila ang TRAIN Law at hindi totoong 6.7 percent ang Inflation
Pinagbibitiw din ng grupong UFCC ang lahat ng mga Economics Managers ni pangulong Duterte dahil hindi sila nakatutulong sa lahat ng mga programa ng pangulo bagkus lalo lamang nagpapahirap sa Sambayanang Pilipino.