NAGPARINIG | Senator Lacson, kinantyawan ang Malakanyang sa planong pagsibak sa isang corrupt official

Manila, Philippines – Sa pamamagitan ng mensahe sa kanyang social media account ay kinantyawan ni Senator Panfilo Ping Lacson ang Malakanyang.

Kaugnay ito sa plano ng Palasyo na pagsibak sa isa na naman umanong corrupt na opisyal ng gobyerno.
Sa kaniyang social media post ay sinabi ni Lacson na fired ang isang corrupt na opisyal pero hired naman ang isa pang corrupt official.

Hindi naman pinangalanan si Lacson ang pinapasaringan niyang corrupt official na nabigyan ng pwesto.


Pero magugunitang inalmahan ni Lacson ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon bilang Deputy Administrator ng Office of Civil Defense.

Facebook Comments