NAGPASABOG | Nadakip na person of interest sa pagpapasabog ng granada sa KTV Bar sa Tacurong City, isinasailalim na sa beripikasyon

Mindanao – Isinasailalim na sa beripikasyon ang mga person of interest na responsable sa paghahagis ng granada asa isang KTV Bar sa Baranagay Buenaflor, Tacurong City.
Sa nasabing insidente, dalawa ang patay habang labing pito ang sugatan.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, maaaring may nangyaring away sa loob ng KTV Bar kaya’t nagpasabog ng granada kung saan nasawi sina Dominador Abol Datahan at Suharto Ayuna Ali.
Sa ngayon, 7 sa 17 sugatan na lamang ang nagpapagaling sa pagamutan habang hindi muna pinangalanan ng pulisya ang mga nadakip nilang person of interest.

Facebook Comments