Manila, Philippines – Hinimok ngayon ng National Food Authority (NFA) ang mga farmers group na direkta nang ibenta sa ahensya ang kanilang produktong palay.
Layunin nito mas mapalakas ng ahensya ang local procurement nito ng palay sa harap ng kakapusan na ng buffer stock ng NFA na tinatantya na magtatagal na lamang ng isa’t kalahating araw.
Ayon kay NFA director Rebecca Olarte ng NFA, magpupulong ang mga regional directors sa mga lokal na pamahalaan para hikayatin ang mga magsasaka na maglaan ng kahit sampung porsyento ng kanilang aning palay sa NFA.
Aminado ang NFA na magkakaproblema pa rin sila sa pagkumbinsi sa mga magsasaka dahil napakababa ng buying price ng ahensya sa mga magsasaka kung ihahambing sa mga local rice traders.
Una nang iginiit ni Agriculture Manny Pinol na para maengganyo ang mga lokal na magsasaka ay dapat taasan ng beinte pesos per kilo ang buying price ng ahensya palay na siya namang pinag-aaralan na ngayon ng NFA council.