NAGPASALAMAT | Dating BOC Commissioner Faeldon, nakabalik na ng senado

Manila, Philippines – Naka-ditine na muli ngayon sa senado si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ito ay matapos ang kanyan pagsamantala paglaya sa loob ng 48-oras na nagsimula noong Biyernes, alas-dyes ng gabi.

Sa twitter account ng kanyang legal team, ay nagpahayag ng lubos na pasasalamat si Faeldon sa pagpayag ni Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon na makapunta sya sa ospital sa Taytay Rizal para sa pagsilang ng kanyang bunsong anak.


Ipinagmalaki ng legal team na bilang gentleman, dating marine na may word of honor, ay tinupad ni Faeldon ang kasunduan dahil isang oras at 20-minutes bago matapos ang 48-oras ay bumalak agad ito sa detention facility ng senado.

Si Faeldon ay na-contempt at ikinulong sa Senado mula pa noong Setyembre dahil sa pagtanggi na humarap sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee ukol sa smuggling ng 604 kilograms ng shabu at sa tara system sa Bureau of Customs (BOC).

Facebook Comments