NAGPASALAMAT | DICT Secretary Rio, nagpaalam na sa kanyang mga kasama sa gabinete

201

Manila, Philippines – Nagpaalam na si Outgoing Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga Gabinete nito sa naganap na Cabinet meeting kagabi sa Malacañang.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, pinasalamatan ni Rio si Pangulong Duterte sa pagbibigay dito ng oportunidad na makapagtrabaho sa kanyang Administrasyon.

Nagpahayag din naman aniya ng kahandaan si Rio na makatrabaho si incoming Secretary Gringo Honasan na una nang itinalaga ni Pangulog Duterte na papalit kay Rio sa Department of Information and Communications Technology o DICT.

Sa ngayon naman ay hindi pa nanunumpa si Honasan sa posisyon at nananatiling Senador ng bansa.

Facebook Comments