NAGPASALAMAT | DOLE – ikinatuwa ang pagsang-ayon ng SC sa utos nilang pa-swelduhin ang mga bus driver at konduktor

Manila, Philippines – Pinasalamatan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsang-ayon ng Korte Suprema sa utos nilang ipagbawal na ang “age-old commission basis” para sa mga driver at konduktor ng bus.

Sa interview ng rmn manila kay DOLE Sec. Silvestro Bello III – aniya, masaya siya sa naging desisyon ng Supreme Court kahit pa tinututulan ito ng mga bus operator.

Aniya, pasensya na lang daw ang mga operator ng bus pero ang utos ay para rin naman sa kaligtasan ng mga pasahero.


Naging argumento rin ng DOLE sa kanilang utos na dapat talagang pasaswelduhin ang mga bus driver at konduktor dahil empleyado rin sila ng mga bus company.

Facebook Comments