NAGPASALAMAT | Kris Aquino, malugod na tinanggap ang paghingi ng sorry nina SAP Bong Go at ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nagpasalamat si Kris Aquino kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa paghingi nito ng tawad.

Ito ay matapos na idawit ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson si dating Senador Benigno Aquino Jr. kaugnay ng paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Pinay sa South Korea.

Una nang inanunsyo ni Go na humihingi na silang dalawa ng Pangulo ng tawad kay Kris.


Ayon kay Go, marahil naiintindihan ng Pangulo ang punto ni Kris na naalala nya kung paano nasawi ang kanyang ama.

Tinanggap naman ni Kris ang apology ni Go.

Aniya, taos puso ang kaniyang pasasalamat sa Pangulo at kay Go dahil kinonsidera ang nararamadaman ng isang anak na nangulila sa ama.

Facebook Comments