NAGPASALAMAT | Labor Sec. Silvestre Bello III, pinasalamatan ang Qatar sa pagbibigay ng pardon sa 25 Pilipinong detainees

Manila, Philippines – Personal na nagpasalamat si Labor Secretary Silvestre Bello III sa gobyerno ng Qatar matapos na bigyan ng pardon ang nasa 25 Pinoy detainees.

Ayon kay Bello, napakalaking gesture of goodwill ang ginawang ito ng Qatar.

Maliban rito, pinasalamatan rin ni Bello si Qatar Minister of Administrative Development Labor and Social Affairs Dr. Essa Bin Saad Al Jafali Al Nuaimi sa pangangalaga sa mga Pinoy sa Qatar.


Kasama sa 25 ang 18 lalaki at 7 babae kung saan 16 sa kanila ay may kasong estafa, 3 adultery, 3 theft, 2 sa ilegal na droga, at 1 ng physical assault.

Facebook Comments