NAGPASALAMAT | OFW na si Jennifer Dalquez, bumisita sa Malacañang

428

Manila, Philippines – Dumulaw sa Malacañang para personal na makita si Pangulong Rodrigo Duterte ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jennifer Dalquez.

Agad na niyakap ni Dalquez ang Pangulo at nagpasalamat sa tulong na ibinigay nito sa kanya.


Matatandaang naabswelto si Dalquez sa kasong pagpatay sa kanyang amo sa United Arab Emirates.

Kasama ni Dalquez na bumisita sa Malacañang sina Labor Secretary Silvestre Bello III, mga opisyal ng POEA at OWWA.

Facebook Comments