NAGPASALAMAT | Rachel Peters, may mensahe sa fans

Manila, Philippines – Pinasalamatan ni Rachel Peters ang lahat ng mga sumuporta sa kanyang pagsabak sa Miss Universe 2017.

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang kompetisyon, nag-post sa kanyang Instagram account ang 26-year old beauty queen kung saan pinasalamatan niya ang kanyang pamilya at lahat ng nag-cheer sa kanya sa Miss U.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Rachel na hindi niya kakayaning tumuntong sa pageant kung hindi dahil sa suporta ng mga Pinoy.


Una rito, may mga kumalat umanong video na umiiyak si Rachel sa backstage at nag-sorry sa mga Pilipino matapos na bigong makapasok sa top 5.

Facebook Comments