Manila, Philippines – Tinawag na recycle ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang ulat na iniimbestigahan pa rin siya ng Office of the Ombudsman matapos maabswelto sa nakalusot na P6.4 bilyong shabu shipment mula Tsina noong 2017.
Sa isang Facebook post, pinuntirya ni Paolo ang isang online news ukol dito.
Ipinost rin ng dating alkalde ang larawan ni Senador Antonio Trillanes IV habang nasa voodoo museum sa Amerika.
Kahapon, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na mayroon pa ring gumugulong na imbestigasyon sa first family.
Sinabi rin ni Morales na nag-inhibit siya sa lahat ng kaso ng mga Duterte kaya hindi na dumaraan sa kanya ang mga papeles at kautusan kaugnay nito.
Batay sa listahan ng Ombudsman na may petsang January 12, 2018, limang kaso ang nakabinbin sa pangalan ni Paolo Duterte kung saan kabilang ang graft, forfeiture, perjury, paglabag sa code of conduct for public officials, at conduct prejudicial to the best interest of the service.