NAGPASARING | Pinuno ng UNHRC, pabirong pinasaringan ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pabirong pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang United Nations Human Rights Council Chief kaugnay sa hindi pa naipapadalang donasyong helicopters sa bansa.

Maaalalang nangako si UN Human Rights Chief Prince Zeid Ra’ad Al-Hussein ng pagbibigay ng dalawang cobra attack helicopters sa Pilipinas mula Jordan.

Nagsimula ang pagbatikos ng Pangulo kay Zeid at iba pang opisyal ng United Nations dahil sa kanilang mga alegasyong “state-sanctioned killings” ukol sa Philippine war on drugs.


Sa pagdiriwang ng 68th National Security Council and 69th National Intelligence Coordinating Agency Founding Anniversary, nagbiro ang Pangulo na kung hindi dumating ang mga helicopter ay itutuloy niya talaga ang pagmumura.

Samantala, pinayuhan ang Pangulo ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na pigilan ang kanyang sarili upang matuloy ang naturang donasyon.

Facebook Comments