NAGPASARING | Secretary Roque, binanatan ang picture ng grupo ni VP Leni Robredo sa Holocaust Memorial sa Germany

Berlin, Germany – Hindi inakala ng Palasyo ng Malacanang na totoo ang lumabas na larawan ni Vice President Leni Robredo at mga kasama nitong kongresista at senador sa Holocaust Memorial sa Berlin, Germany.

Umiikot kasi ngayon sa social media ang nasabing larawan kung saan makikita si Robredo na nakaupo sa isang puntod habang nakangiti at naka-pose naman sa kanyang paligid sina Liberal Party president and Senator Francis Pangilinan, Quezon City Representative Jose Christopher Belmonte, Dinagat Islands Representative Kaka Bag-ao, Marikina Representative Miro Quimbo, at dating Budget Secretary Florencio Abad.

Umani ng batikos sa social media ang nasabing larawan dahil manhid umano ang mga ito at nakuhang ngumiti at tila hindi alam ang sinapit ng mga Jew sa pamumuno ng German leader na si Adolf Hitler kung saan ipinapatay nito ang milyon milyong Jews noong World War 2.


Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, noong siya ay nagawi sa Holocaust Memorial ay naluha pa siya sa sinapit ng mga Jew at nagimbal naman siya nang makita ang ginawa ng grupo ni Robredo kung saan makikita aniya na hindi naiintindihan ng mga ito ang lugar na kanilang kunaroroonan dahil nakapose at mistulang mga fashion model pa ang mga ito.

Binigyang diin ni Roque na mayroong sinusunod na Code of Conduct na sinusunod ang mga opisyal ng Pamahalaan para hindi mapulaan ng publiko o ng ibang nasyon.

Facebook Comments