NAGPATIWAKAL | Lalaki, nagbigti sa condo unit sa Parañaque City

Parañaque City – Patuloy na nagsasagwa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa pagpapakamatay ng isang lalaki sa loob ng condominium unit nito sa Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Sa ulat, natagpuang nakabigti sa kisame ng kaniyang kuwarto sa pamamagitan ng nylon cord ang lalaki na nakillang si Yves Marila sa room 3-A, 3rd floor ng tower 5 ng Avida condominium.

Kwento ng pinsan nitong si Patricia, tinawagan pa siya ni Marila para sabihing siya na ang magtuloy sa paghulog sa condo dahil hindi na daw niya kaya ang pagkakahiwalay sa kaniyang nobya na nakilala sa alyas na “Aya”.


Pansamantalang dinala sa isang punerarya ang labi nito para isailalim sa awtopsiya upang masigurong walang naganap na foul play sa kaniyang pagpapakamatay.

Facebook Comments