NAGPATROLYA | 2 warship ng Amerika – naglayag malapit sa mga pinag-aagawang teritoryo sa WPS

Manila, Philippines – Naglayag na ang dalawang barkong pandigma ng Estados Unidos malapit sa mga islang inaangkin ng China sa West Philippine Sea.

Ayon sa ilang US officials, bahagi ito ng mga ginagawang hakbang ng Estados Unidos upang makontra ang anila ay tila plano ng China na limitahan ang umiiral na malayang paglalayag sa lugar.

Ang higgins guided missile destroyer at antietam, isang guided missile cruiser ay nakalapit ng 12 nautical miles sa paracel islands, isang pulutong ng mga isla na inaangkin ng China at iba pang mga bansa tulad ng Pilipinas.


Nilinaw ng US na matagal nang nakaplano ang pagpapatrolya ng kanilang barkong pandigma at wala itong koneksyon sa pagbawi ng us sa imbitasyon upang lumahok ang China sa isang major naval drill.

Facebook Comments