NAGPAUMANHIN | BDO-Unibank, humingi ng dispensa magkaproblema ang kanilang serbisyo

Manila, Philippines – Humingi ng paumanhin ang Banco De Oro – Unibank matapos magkaberya ang kanilang serbisyo.

Sa isang pahayag, nakararanas sila ng service interruption kaya hindi ma-access ang ilan sa kanilang pasilidad.

Hindi na tinukoy kung ano ang pinagmulan ng problema pero tiniyak na inaayos na nila ito.


Nabatid na ilang BDO ATM ang offline habang ang online banking services nila ay hindi ma-acess.

Facebook Comments