Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Francis Chiz Escudero sa Anti-Money Laundering Council o AMLC na pagsumikapang matukoy sa lalong madaling panahon ang pinanggalingan ng malaking halaga ng salapi na nakumpiska sa kampo Maute Group.
Ang tinutukoy ni Escudero ay ang 79.2 Million pesos na halaga ng cash at tseke na nakuha ng mga sundalo sa kuta ng Maute group sa Marawi City.
Ayon kay Escudero, mahalagang matukoy kung sino ang nagpopondo sa isinasagawang karahasan ng Maute Group sa bahagi ng Mindanao.
Ito ayon kay Escudero ay upang maputol na agad ang daloy ng pondo sa Maute Terror Group at mapilay na sila sa paglulunsad ng serye ng mga panggugulo.
“Government should trace its origins with the help of AMLC in order to flush out sources of “terror financing.” Cut the supply line and you cut the ability of these terror groups to do their bidding,” ayon kay Senator Escudero.