NAGPULONG | Mga opisyales ng OCD, nakipagpulong sa 2 undersecretaries

Manila, Philippines – Nagpulong na sina NDRRMC Executive Director at Civil Defense Administrator Usec Ricardo Jalad at sina Undersecretaries Karen Jimeno ng Presidential Management Staff for Disaster Resiliency at Dale Cabrera ng Office of the Cabinet Secretary.

Ito ay para sa planong pagbuo ng bagong departamento na tatawaging Department of Disaster Resilience.

Isinagawa ang pagpupulong sa National Disaster Risk Reduction and Management Operations Center sa Camp Aguinaldo nitong nakalipas na Miyerkules July 25,2018.


Kasunod ito nang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA na paguusapan na ang proposed bill na magiging batayan para makabuo ng bagong departamento na tutok sa epekto ng mga kalamidad sa bansa.

Sa isang statement na inilabas ng NDRRMC, ginawa ang pagpupulong sa harap na rin ng adhikain ng Pangulo na mabilis na maipasa ang batas na bubuo ng hiwalay na departamento.

Sa ngayon kasi ang NDRRMC ang tumututok sa epekto ng kalamidad na isa lamang bureau na nasa ilalim ng Dept. of National Defense.

Facebook Comments