NAGPUPUMILIT | Lalaking lasing, huli matapos piliting pumasok sa LRT-1

Isang lalaki ang nakipagbuno sa isang guwardiya sa Pedro Gil Station ng LRT-1, Biyernes ng gabi.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), lasing ang lalaki nang magtangkang pumasok sa LRT at inagaw pa niya ang baril ng gwardiya.

Agad namang naaresto ang lalaki nang kuyugin ng iba pang gwardiya.


Mahigpit namang paalala ng LRMC, hindi pinapayagang sumakay ng LRT ang mga pasaherong lango sa alak.

Facebook Comments