Nagrereklamo sa rice tariffication law, middlemen at hindi magsasaka – Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na hindi naman mga magsasaka talaga ang nagrereklamo sa pagkakasabatas ng rice tariffication act.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng mga reklamo na lumulutang kung saan sinasabi ng ilang grupo na dehado ang mga magsasaka at ang local farming industry kapag naipatupad ang rice tariffication act.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, mukhang mga middlemen at hindi ang mga magsasaka mismo ang nagrereklamo dahil mas kumikita ang mga ito kaysa sa mga nagtatanim ng palay.


Paliwanag ni Panelo, mayroong 10 bilyong pisong pondo kada taon ng 6 na taon na ilalaan sa pagpapaganda ng farming industry at pagpapaganda ng buhay ng mga magsasaka na nakapaloob sa rice tariffication act.
Wala din namang magagawa ang Malacañang sa plano ng ilang grupo na maghain ng Temporary Restraining Order laban sa nasabing batas kung saan sinabi ni Panelo na karapatan ng anomang grupo na lumapit sa Korte.

Facebook Comments