Manila, Philippines – Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation letter ni Commission on Higher Education Chairperson Patricia Licuanan.
Ayon ay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kaninang 8:00 lang ng umaga natanggap ng Palasyo ang resignation Letter ni Licuanan at tinanggap na ito ni Pangulong Duterte pero sa ngayon ay hindi pa sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kuing sino ang ipapalit dito bilang Chairman ng CHED.
Tumanggi din naman si Roque na sabihin kung si Licuanan ang sinasabi ni Pangulong Duterte na Chairman na sisibakin dahil sa katiwalian.
Paliwanag ni Roque, moot and academic na ito dahil nagbitiw na si Licuanan.
Sa ngayon aniya ay ang pinakamataas na opisyal ang pansamantalang tatayo bilang Chairman ng CHED hanggang hindi pa nakapipili ang Pangulo ng ipapalit sa nagbitiw sa chairman nito.