Manila, Philippines – Nagsasagawa ngayon araw ng Drug Dependency Examination ang Manila City Jail sa kanilang mga inmates.
Ayon kay Manila City Jail Spokesman Jail Senior Inspector Jay bustanero, layon ng naturang eksaminasyon na malaman kung gaano kadependent ang isang inmate sa droga.
Aniya sa ngayon ay pitumpung inmates ang sasailalim sa Drug Test, Psychological Exam at mga interviews na inaasahang tatagal ng dalawang oras ang kabuuang proseso.
Paliwanag ni Bustanero a oras aniya na ma evaluate ng doktor mula sa Manila Treatment and Rehab Center na hindi mataas ang drug dependency ng isang inmate ay isusumite ang papeles nito sa drug courts para sa desisyon nito kung saan posibleng makalaya ang nasabing inmate.
Dagdag pa ni Bustanero na ito ang unang araw ng lingguhang eksaminasyon na ndi lang makakatulong sa mga inmates kundi magpapaluwag din sa mismong Manila City Jail.